NAGSESELOS AKO.
Aminin niyo, Nasabi niyo na rin yan noon. Eh pano ba naman kase, diba. Ayaw niyo na nahahati yung atensyon ng kaibigan, mahal, nanay, tatay etc. niyo. Ayaw mo ng may kaagaw. Ayaw mo ng may kahati. Gusto mo, IKAW LANG. WALA NG IBA. Pero, kahit na ipagpilitan mo’ng itago yung nararamdaman mo, lalabas at lalabas parin yan dahil gusto mo’ng ipamukha sa taong yun na nagseselos ka. Gusto mo, mapansin niyang naiingit ka. Gusto mo, lambingin ka niya at sabihin sayo na, “Wag ka na’ng magselos. Ikaw at ikaw parin naman ang mamahalin ko, e. Gumuho man ang mundo.” Ang sweet diba. Pero tandaan mo, wala ng taong ganyan sa mundo. I mean, meron pa naman kaya lang umooti na sila ng umoonti. Mahirap man isipin, pero hindi lahat satin makakakuha ng ganyang tipo ng lalake. Hindi lahat pwedeng ibigay sayo. Hindi lahat ituturing ka’ng Prinsesa. Kase, lahat may pagsubok. Sa ayaw mo man o sa gusto mo, pagdadaanan mo yan. Hindi mo pwedeng takasan, hindi pwedeng, pass muna sa ibang araw na lang, at hindi rin pwedeng itapon mo sa basurahan na parang isang dumi. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko to’ng ganitong post pero, siguro eto yung pinakayaw ko’ng maramdaman sa lahat. Ang hirap kase, e. Lalo na kung ipapamukha mo ‘to sa taong manhid. Puta, para ka na nitong baliw na nakikipagusap sa tae mo’ng kahit kelan ay hindi magsasalita. Kapag nagsalita, tumakbo takbo ka na, pare. Hay, buhay. Naudlot pagbabasa ko nung Diary ng Panget. Pano ba naman kase, tinawag tawag ako ng aking mother dearrrr. Eh, wala na ko’ng mashare. Okiii. -___-
Eto lang ginagawa ko sa tuwing malungkot ako. Gumawa ng isang dosenang set ng ganto. Pamapalipas oras. Pamapawala ng lungkot. Pampataboy ng problema. Nakakawala ng pagod gumawa ng ganto. Sa tuwing may pasok ako at may homework ako, bago ako maghomework, gagawa muna ko ng at least isa o dalawang set ng ganto chaka ko gagawin yung homework ko. Ewan ko ba. Ang saya saya ko kase sa tuwing nagawa ako ng ganto. Labo. Hay.
Pang huli na pala ko sa puso mo. :|
Tangina lang. Tagos, e. Pucha, At least anjan pa yung isa. :”> Hahah, Teka, labas dito ang buhay lovelife ko. Hindi ‘to tungkol sa buhay pagibig. *Bow* Ang saya saya naman ng birthday kooooooo. :| :| :|
LAHAT KASE NAGBABAGO. HINDI MO SILA MAPIPIGIL.
Nakakaaliw lang kase magbasa neto. Kahit na, ngayon ngayon ko lang sha nabasa. Nakakatuwa, e. Panget na napunta sa paaralan ng mga Super gandang mga Models at super gwapong mga nilalang. Nakakaaliw. <3
Pano sha naging panget? As in ganto daw: Panget naman talaga ko, malapad ang noo, maliit ang ilong na hindi naman matangos pero hindi sobrang pango, chapped lips, may pimples, may salamin, kayumanggi na dry ang balat, sabog ang buhok at pandakekoy. O diba, panget?
Isa mga linya yan dun. Eh, pwede namang mag make over diba? Hay, ano kayang mangyayare. Teka, magbabasa muna koooo.
