Selos.
NAGSESELOS AKO.
Aminin niyo, Nasabi niyo na rin yan noon. Eh pano ba naman kase, diba. Ayaw niyo na nahahati yung atensyon ng kaibigan, mahal, nanay, tatay etc. niyo. Ayaw mo ng may kaagaw. Ayaw mo ng may kahati. Gusto mo, IKAW LANG. WALA NG IBA. Pero, kahit na ipagpilitan mo’ng itago yung nararamdaman mo, lalabas at lalabas parin yan dahil gusto mo’ng ipamukha sa taong yun na nagseselos ka. Gusto mo, mapansin niyang naiingit ka. Gusto mo, lambingin ka niya at sabihin sayo na, “Wag ka na’ng magselos. Ikaw at ikaw parin naman ang mamahalin ko, e. Gumuho man ang mundo.” Ang sweet diba. Pero tandaan mo, wala ng taong ganyan sa mundo. I mean, meron pa naman kaya lang umooti na sila ng umoonti. Mahirap man isipin, pero hindi lahat satin makakakuha ng ganyang tipo ng lalake. Hindi lahat pwedeng ibigay sayo. Hindi lahat ituturing ka’ng Prinsesa. Kase, lahat may pagsubok. Sa ayaw mo man o sa gusto mo, pagdadaanan mo yan. Hindi mo pwedeng takasan, hindi pwedeng, pass muna sa ibang araw na lang, at hindi rin pwedeng itapon mo sa basurahan na parang isang dumi. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko to’ng ganitong post pero, siguro eto yung pinakayaw ko’ng maramdaman sa lahat. Ang hirap kase, e. Lalo na kung ipapamukha mo ‘to sa taong manhid. Puta, para ka na nitong baliw na nakikipagusap sa tae mo’ng kahit kelan ay hindi magsasalita. Kapag nagsalita, tumakbo takbo ka na, pare. Hay, buhay. Naudlot pagbabasa ko nung Diary ng Panget. Pano ba naman kase, tinawag tawag ako ng aking mother dearrrr. Eh, wala na ko’ng mashare. Okiii. -___-


